Si Middle Child, ikaw yung nasa gitna ni panganay at ni bunso. Madalas, ang middle child ay hindi nakakakuha ng sapat na atensyon galing sa magulang. Karaniwan 'outcast' sa kanilang pamilya at nagkakaroon daw ng "middle child syndrome"
Anu ba ang Middle Child Syndrome?
Ayon sa ilang pag-aaral, madalas na hindi nabibigyan pansin ang middle child. Kaya kailangan pa nilang mag-effort o gumawa ng 'extra mile' para makakuha ng pansin. Madalas ang mga middle child ay yung achievers, paraan iyon upang mapansin ng magulang. Subalit maaari rin maging kabaliktaran ito. Nagiging pala-away sila o lapitin ng gulo.
Dahil kulang sila sa atensyon at suporta mula sa magulang, bumaba ang kanilang self-esteem. Malungkutin, lonely at weird sa ibang tao. Sila 'yung madalas na nagiging pasaway at marahil nauuwi pa sa ibang bagay, mas negatibo.
Hindi ka panganay, hindi ka bunso. So minsan si middle child wala ka sa circle.
Nagiging insecure at selosa ang middle child kasi effort sila pagdating sa suporta at atensyon ng magulang. Dahil dun, they feel unloved, unwanted o useless. Kaya namumuo yung galit at later on nagpapakita na nga psychotic behavior.
Upang maiwasan ang gantong sitwasyon, payo ng mga pyschologist. Bilang magulang, dapat alamin ang pangangailan, traits at behavior ng inyong mga anak. Hindi naman kasi pare-pareho yan. Maganda yung konsepto na 'sense of entitlement'. Meaning
yung ownership na ako ay anak din katulad ng ibang anak, dapat mabigyan ako ng tinatamasa ng iba kong kapatid,may fairness in the family.
Mabuting maging sensitive sa bawat feelings ng anak. Laging buksan ang communication line between parents at anak. Nadadaan naman ang lahat sa usap, kaya mabuting ipaliwanag ng mga magulang sa anak kung ano ang para sa kanya at ano naman ang para sa iba nyang kapatid.
It may sound more of like a prevention kaysa sa treatment. Bilang magulang, responsibilidad natin ang welfare o kapakanan ng bawat anak.
Anung sa tingin nyo? Feel free to join the discussion.
Anu ang Middle Child Syndrome?
Reviewed by Writer
on
October 01, 2017
Rating:
Reviewed by Writer
on
October 01, 2017
Rating:


No comments: