MANILA - Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na magkaroon ng national identification system sa Pilipinas.
Nakakuha ng 142-7 boto kaya naman inaprubahan na ng mababang kapulungan ang panukalang magkaroon na lamang ng iisang ID sa Pilipinas para sa lahat ng transaksyon sa gobyerno, Naglaan ng P2-B ang Department of Finance para dito.
Ilan sa mga detalyeng ilalagay sa ID ay ang barcode, account name, common reference number, front-facing picture, birthday, birth place, permanent address at blood type.
Kabilang ang National ID system sa legislative agenda ng administrasyong Duterte.
Kapag ito ay naisabatas na, ang Philippine Statistics Authority ang mamamahala sa pamamahagi nito sa publiko.
National ID system, aprubado na!
Reviewed by Writer
on
September 09, 2017
Rating:
No comments: