📖DIARY PAGE 39 📖 : "BEST FRIENDS"


Hi BKD.

Gusto ko lang sana mag share, sana ma post to. Thanks.

May best friend ako, since 1st college ako. actually may feelings na talaga ako sa kanya since noong high school pa kami, sa BSP training camp, bale ahead ako sa kanya ng 1 year tapos nag classmate kami ng college kasi shiftee ako. Ayun nga naging mag best friends kami sa college, tapos ako tong si torpe na hindi maamin ang nararamdaman until umabot sa point na nag syota ako ng ibang mga babae, as in "mga" para mawala ang feelings ko at alam ko nag iba na ang tingin niya dahil doon but still nandiyan pa rin siya at ako, always nandiyan para sa kanya, within that 4years na magkaclassmate kami. 


Graduate na kami ngayon ng college pero bakit hindi ito mawala-wala, kaya eshinare ko to para sabihin na E-let go ko na talaga to kasi ang hirap na, alam ko naman kasi na hanggang mag best friend lang tayo at ayaw ko rin na masira ang friendship natin dahil lang dito. God knows na mahal na mahal ko siya but we're not meant to be for each other and I hope she'll find someone na aalagaan at mamahalin siya ng tunay, as well as me, I'll wait for the right woman na ibibigay ni Lord na mamahalin ako at aalagaan.

"Hindi lahat ng mag best friend nagkakatuluyan, sa movie lang nangyayari yun"

📖DIARY PAGE 39 📖 : "BEST FRIENDS" 📖DIARY PAGE 39 📖 : "BEST FRIENDS" Reviewed by Writer on October 29, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.