Sa mga mahilig magkape dyan, merong isang coffee shop sa Sheridan, Mandaluyong na nagsisilbi ng mga specialty blends ng kape upang tulungan ang mga farmers ng La Trinidad, Benguet upang suportahan ang kanilang operasyon.
Ang The Giving Cafe (TGC) ay pinakabagong social enterprise na kumpanya na pinapagtakbo ng provider ng Henry and Sons (H&S) upang suportahan ang advocacy arm, ang Foundation for Sustainable Coffee Excellence (FSCE).
Ang TGC ay nag-aalok ng iba't ibang uri ng kape ng Bloom Coffee na ginawa upang direktang pondohan ang partikular na programa na makakatulong sa isang magsasaka, tulad ng:
- The Giving Well - upang pondohan ang mga water generators na makakapagbigay ng malinis at maiinum na tubig sa buong komunidad ng magsasaka.
- Cup to Seed - upang pondohan ang mga livelihood projects na maaaring gawin ng mga magsasaka habang nag-aani.
- Coffee for Great Minds - pondohan ang mga education needs.Beans for Little Ones - pondohan ang basic health care para sa mga anak ng farmers.
- Beans Within Reach - upang ilunsad ang mga activities na kumukunekta sa local at global buyers sa mga farmers at kanilang produkto.
Ang Bloom Cafe range ay nag-aalok ng mga produckto n blending at roasting ng Arabica beans mula sa buong mundo na may lokal na beans mula sa Benguet.
Minarkahan ng TGC ang 1% ng kabuuang benta sa bawat inumin upang magamit ang isang partikular ng initiative ng FSCE.
Ang "The Giving Cafe" ay sumali sa mga initiatives ng FSCE na kinabibilangan ng The Giving Caravan, isang roving Kombi Volkswagen cafe na nagbibigay ng libreng cup ng kape sa BGC streets, at The Giving Cart.
Coffee for a Cause
Reviewed by Writer
on
September 03, 2017
Rating:
No comments: