MAYNILA - Ang mga Pilipino hindi nauubusan ng ideya kung paano kumita ng pera. Tulad nalang ni Mang Rudy Avila.
Isang ordinaryong jeep na nilagyan ng videoke at libreng wifi para sa mga pasahero. Meron pa itong buzzer kung ikaw ay bababa na at CCTV.
Ang naturang jeep ay bumabyahe sa Baclaran-Sucat.
Ayon sa kwento ng isang pasahero na si Mar Fernandez, "Initial reaction ko, baka 'yong rate ng fare ng jeep is parang fare sa FX,". Noong gabi ng August 31, Huwebes nang masakyan niya ang jeep sa Sto. Nino, Paranaque. Galing aniya siya sa trabaho at pauwi ng Lucena.
Matapos nyang ilagay sa kanyang social media account, agad itong nag viral.
"Seriously, natuwa ako. Hindi ko nga namalayang lumagpas na 'ko sa kinaiinisan kong highway na ma-traffic," ani Fernandez, na nakapag-update pa ng phone system dahil sa mabilis na internet.
Bukod sa libreng wifi, maaaring ka ring bumirit gamit ang libreng videoke.
"Napahiling ako na sana maganda boses ko or malakas loob kong kumanta para makalibre, sayang din yong P15 mula Sto. Nino to Sucat," biro pa ni Fernandez.
Sa ngayon, aabot na sa 23,000 Likes at halos 30,000 shares sa Facebook ang post ni Fernandez ukol sa jeep. Nakarating naman ang positibong reaksiyon sa may-ari ng jeep na si Avila.
Samantala, si Mang Avila ay isa palang kagawad sa isang barangay sa Paranaque. Matapos mag viral ang post ni Mar, nagpadala ng mensahe si Mang Avila sa Facebook.
SOURCE: ABS-CBN
Jeepney na may libreng wifi at videoke, patok!
Reviewed by Writer
on
September 05, 2017
Rating:
No comments: