Good day po admin. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.
Bakit may mga tao na binigay mo na ang lahat pero parang hindi p din enough para s kanila? Mas inuuna mo na sila s lahat ng bagay pero nakikita ka lang nila as someone na taga bigay? As if yun lang ang kaisa isa mong purpose sa family, taga bigay. Pero kapag umaray ako, nagsalita ako hindi nila ako pinakikinggan. As if ako yung weak sa family namin? Lagi pa nilang ihihirit sayo,"highblood ka na naman" or "galit kn naman". Eh nagpapaliwanag lang naman ako. Wala nb akong say sa family namin?
Konting hingi nila kapag kaya ng sahod ko,bigay. Pero yung mga kapatid ko walang maibigay, ok lang pero sken parang sasama p loob kpg wala akong naiabot. Napaka unfair!
Wala namang masamang tumulong sa family pero pakiramdam ko ako lang mag-isa. Hindi ko naman ginustong magkahiwalay ang magulang ko at pinipilit kong mapagaan ang buhay nila sa abot ng aking makakaya. Kaso ang bigat na eh.. Paano kami aasenso eh parang ako lang nagkukusa saming magkakapatid? Kapag hiningian mo ng extra, sasagot sayo hindi na kaya ng sahod pero nakaka-alis pa sila, nakakapagdate kung san san.
Gusto ko ng lumayas samin, 28 y/o na ako.Wala p din ipon, halos 9yrs na akong nagwowork. Wala akong reklamo sa pagtulong promise pero I feel na walang direksyon ang buhay ko. May pamilya nga ako pero hindi ko b maramdaman?
Napaka weak ko ba talaga?
📖 DIARY PAGE 42 📖 : "THE BREADWINNER"
Reviewed by Writer
on
November 01, 2017
Rating:
Reviewed by Writer
on
November 01, 2017
Rating:

No comments: