📖 DIARY PAGE 44 📖 : UNFAITHFUL HEART


Help me
Second confess ko na to sana po mapost na to. 

I have an ex boyfriend tumagal kami ng almost 1year and 3months.. nung kame pa 2months pa lang kami may nagawa na syang kasalanan. 2months kame nung may nangyari sa kanila ng ex niya sa bahay ng barkada niya. Wala kong magagawa unang minahal niya yon bago ako e. alam nyo ung feeling na nakakababa ng pagkababae dahil sa ginawa niya yon! edi pinatawad ko hanggang isang taon na pasaway padin sinasaktan ako ng paulit ulit not physical. sobrang sakit ung selos na selos kana dahil sa mga pinag gagawa niya pero ako tong si tanga na mahal na mahal siya kaya okay lang. hanggang sa napagod at nag sawa nakipag break ako nung may142017. tandang tanda ko payon ako yung nakipag break pero ako ung naghahabol. tanda kopa nung june132017 . 1year4months na dapat kame binigyan kopa siya ng kwintas diko alam bat ko nagawa yon sguro tanga talaga ko wala eh mahal na mahal ko. pero last nayon nagbigay lang ako pero di nagbalik ung salitang TAYO. hanggang eto may dumating na lalaki sa buhay ko tawagin na lang natin siyang "fer" . sobrang swerte ko sakanya kase napaka effort niya , sya ung nandyan nung panahong durog na durog ung puso ko. hindi niya ko pinabayaang malungkot pinapasaya niyako parati binibili niya ung paborito kong sundae kumakain kame madalas sa paborito. hanggang one day nareazlize kong diko pala siya mahal. naging rebound lang pala siya. di pala sya ang lalaking gusto kong pumalit sa pwesto ng ex boyfriend ko hindi pala. nasaktan ko sya ng sobra halos ipahiya nya ko twing makikita niya ko natuto siyang uminom . umiyak na sya harap harapan ko pero eto balewala parin ganto pala yon ganto pala pakiramdam ng minamahal ka pero kahit kelan di mo matututunang mahalin. dumaan ang ilang bwan may dumating ulit saken sinubukan ko ulit magmahal dahil akala ko kaya ko na . kaya ko nang buksan ung puso ko para sa iba . kaya ko nang talikuran ang nakaraan at harapin ang bagong pagsubok. pero hindi pala tawagin na lang natin syang "nn" ang sweet niya di siya kagwapuhan wala din skanya lahat ng hinahanap ko sa lalaki may bisyo siya yosi at alak dati nag mamarijuana pa. ramdam ko ung effort niya para lang maparamdam nyang seryoso siya. hanggang sa narealize ko ulit na sinasaktan ko lang pala siya. kaya tinigil niya at tinigil kona. napaka walang kwenta kong babae. napaka sama ko . nagkaganto lang naman ako dahil nagmahal ako ng totoo at nasaktan ako ng todo . kaya eto sobrang hirap na hirap nako. tulungan niyo sana ko . kaya ko lang to nagawa dahil takot na kong magmahal at masaktan ulit . ibash niyoko okay lang pero sana may mga taong makakaintindi sakin.

ps' pag napost to mag cocomment ako. 

pps' pag napost to ulit imemention ko ung punyetang ex ko.

ppps' pag napost to. tatag ko ulit ung dalawang lalaking sinayang ko.


ttc26.

📖 DIARY PAGE 44 📖 : UNFAITHFUL HEART 📖 DIARY PAGE 44 📖 : UNFAITHFUL HEART Reviewed by Writer on November 02, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.