Sa isang relasyon hindi mawawala ang away,selos,tampuhan, hiwalayan pagka tapos magbabalikan ulit.
Madalas sa isang relasyon aminin man natin o hindi kadalasang lalaki ang nanunuyo. Alam kong mahirap manuyo lalo na kung mapride ang babae. Mula sa panliligaw hanggang maging kayo kailangan mong intindihin at magkaroon ng mahabang pasensya. Ang lalaki napapagod din yan, worth din naman nilang suyuin. Hindi naman nakakababa ng pagkababae ng minsan ikaw naman ang umintindi at magpakumbaba.
Hindi kabawasan sa pagkababae ng minsan ikaw naman ang huningi ng tawad pag mali ka, kapag sya naman ang nakagawa ng kasalanan intindihin, pakinggan hindi ung init ng ulo ung papairalin.
Minsan, ikaw naman ung mag suprise sakanya para maparamdam mo sakanya na special sya.
Minsan sya naman itreat mo sa mga lakad nyo. Worth din naman kasi nilang mahalin ng pabalik. Kung pano ka nya itrato, suklian mo. Kung ikaw nga napapagod sya pa kaya? Tao lang din yan napapagod, nagkakamali. Habang nasa inyo pa yung taong iingatan at papahalagahan kayo. Yung tinuturing kayong parang prinsesa. Ingatan nyo.
Sa boyfriend ko, Sorry na po sana maayos na natin to. Wag na natin palakihin. Alam kong mali ung ginawa ko nagselos ako ng wala sa lugar. Natatakot lang akong mawala ka sakin. Thankyou kahapon kasi nagkaroon ulit tayo ng time na magkasama. Tapos nilutuan mo ako kanina. Sorry na. Mahal na mahal kita. Hindi mo man ako mapatawad ngayon, soon maghihintay ako. Hintayin mo suprise ko sayo next week huh? Personal akong magsosorry sayo. I love you!
Ps. Hindi ko po nilalahat, saludo ako sa may mga lalaking kayang mahaba ang pasensya at kayang suyuin mga girlfriend nila. Bro, wag kayong magbago. Wag kayong mapagod.
P.P.S mag cocomment ako at itatag ko boyfriend ko pag napost to.
Cessay
📖DIARY PAGE 46📖 : "PRIDE"
Reviewed by Writer
on
November 03, 2017
Rating:
Reviewed by Writer
on
November 03, 2017
Rating:

No comments: